Ang kaibigan kong si Patsy na nagbebenta ng bahay at lupa ay namatay dahil sa sakit na kanser. Habang ginugunita namin ang mga nagawa niya noong nabubuhay pa siya, naalala ng asawa ko ang pagpapahayag ni Patsy ng Magandang Balita. Isa sa mga sumampalataya kay Jesus sa pamamagitan ni Patsy ay naging kaibigan namin.
Nakakatuwang alalahanin na hindi lamang nakatulong si Patsy na magkabahay ang mga tao, tinulungan niya rin sila na makatiyak na magkakaroon din sila ng bahay sa langit.
Bago naman ipako ang Panginoong Jesus sa krus, ipinakita Niya na mahalaga para sa Kanya na magkaroon tayo ng walang hanggang matitirhan sa langit. Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad na naghahanda Siya ng tahanan para sa kanila. Ipinaalala rin ni Jesus na maraming silid sa tahanan ng Kanyang Ama para sa lahat ng mga nagtitiwala kay Jesus (JUAN 14:2).
Ninanais natin na magkaroon ng magandang bahay dito sa mundo pero higit na napakasayang isipin na may inihahandang lugar sa atin ang Dios. Purihin ang Dios sa pagbibigay Niya sa atin ng buhay na ganap (JUAN 10:10). Salamat din dahil kasama natin ang Dios ngayon at makakasama rin natin Siya sa lugar na inihanda Niya para sa atin doon sa Langit (14:3).
Kung iisipin natin ang mga inihahanda ng Dios para sa lahat ng mga mananampalataya, nanaisin din natin na ipahayag si Jesus tulad ng ginawa ni Patsy.