Parami na ng parami ang nagpapalagay ng tattoo sa ngayon. May maliliit na tattoo na halos hindi mapapansin at mayroon naman na malalaki at makukulay na kadalasang ipinapalagay ng mga atleta at mga artista.
Ano man ang pananaw mo sa tattoo, mababasa natin sa Isaias 44 ang tungkol sa mga tao na para bang naglagay ng tatak sa kanilang mga kamay na, “Sa Panginoon.” Ang tatak na ito ang nagpapakita ng pangangalaga ng Dios sa kanila na mga pinili Niya.
Maaari silang humingi ng tulong sa Dios at ang kanilang lupain at mga lahi ay pagpapalain Niya. Sa pagsasabi nila ng “Ako’y sa Panginoon,” ipinapakita nila na pagmamay-ari at pinangangalagaan sila ng Dios (TAL. 1-5 ABAB).
Ang sinumang nagtitiwala sa Panginoong Jesus ay maaaring makapagsabi nang may katiyakan na, “Ako’y sa Panginoon!” Sila ay maituturing na kawan, anak, tagapagmana, tahanan at pinili ng Dios. Ang mga katotohanang ito ang magbibigay sa atin ng lakas ng loob sa anumang pangyayari sa ating buhay. Kahit wala tayong tatak, makakaasa tayo na tayo’y mga anak ng Dios dahil ang Banal na Espiritu ang mismong magpapatotoo nito (TINGNAN ANG ROMA 8:16-17).