Noong 1936, naging sikat ang awiting ‘The Glory of Love’ na isinulat ni Billy Hill. Tungkol ito sa kasiyahang dulot ng pagsisilbi sa kapwa kahit sa simpleng paraan bilang pagpapakita ng pagmamahal. Pagkaraan ng 50 taon, sumulat naman ang kompositor na si Peter Cetera ng awitin na may pamagat din na ‘The Glory of Love’. Tungkol naman ito sa dalawang tao na gagawin ang lahat sa ngalan ng kanilang pagmamahalan.
Sinasabi sa aklat ng Pahayag na may isang awiting kakantahin ng buong mundo sa darating na panahon (PAHAYAG 5:9, 13). Tungkol ito sa pagpapakita ng Panginoong Jesus ng kanyang kadakilaan at lubos na pagmamahal sa atin. Sama-samang aawit ang lahat ng tao bilang pagpupuri sa Leon mula sa lahi ng Juda na walang iba kundi ang Panginoong Jesus.
Nakita ni Juan ang tunay na kuwento ng pag-ibig. Isinakripisyo ni Jesus ang Kanyang sarili at iniligtas tayo mula sa kaparusahan ng kasalanan bilang pagpapakita ng Kanyang pagmamahal sa atin (TAL. 3-5, 12-13).
Halos lahat ng mga kantang tumatatak sa atin ay tungkol sa pagpapakita ng simpleng kabutihan at pagmamahal. Sa pamamagitan ng ating pag-awit, naipapakita natin ang pag-ibig ng Dios. Kumakanta tayo ng tungkol sa Kanya dahil Siya ang nagbigay sa atin ng dahilan para umawit.