Dumalo ako noon sa isang seminar sa bansang Uganda. Minsan, paglabas ko sa tinutuluyan kong hotel, natawa sa hitsura ko ang taong susundo sa akin. Nakalimutan ko palang magsuklay. Hindi ko iyon napansin kahit nagsalamin na ako.
Tumitingin tayo sa salamin para makita kung may kailangan tayong ayusin sa ating sarili tulad ng magulong buhok. Ganitong halimbawa ang ginamit ni Santiago para ipakita kung paano mas magiging kapakipakinabang ang pag-aaral natin ng Salita ng Dios. Katulad ng salamin, tinutulungan din tayo ng Salita ng Dios para siyasatin ang ating pag-uugali, pag-iisip at kilos (SANTIAGO 1:23-24). Ito ang gagabay para makapamuhay tayo nang ayon sa nais ng Dios.
Sa pamamagitan ng Salita ng Dios, matututunan nating kontrolin ang ating dila at matututo tayong magmalasakit (TAL. 26-27). Magagawa rin nating makinig sa Banal na Espiritu na nananahan sa ating mga sumasampalataya kay Jesus at magagawa nating talikuran ang lahat ng kasamaan sa mundo (TAL. 27).
Bilang mga tunay na mananampalataya kay Jesus, saliksikin at isapamuhay natin ang kautusan ng Dios na nagpapalaya at dahil doo’y pagpapalain Niya ang anumang ginagawa natin (TAL. 25). Tanggapin natin nang may pagpapakumbaba ang Salita ng Dios na itinanim sa ating puso (TAL. 21).