Tuwing ika-28 ng Disyembre, may grupo ng mga tao sa Amerika na nagdiriwang ng tinatawag na Good Riddance Day. Sa araw na iyon, isinusulat nila ang mga hindi magagandang nangyari sa taon na iyon at itatapon nila ang mga pinagsulatan sa isang makina na nagpupunit ng papel.
Pero may mas mainam pa kaysa sa pagdiriwang ng Good Riddance Day. Mababasa natin sa Salmo 103 na pinapatawad ng Dios ang mga nagawa nating kasalanan. Gumamit ng paghahalintulad ang manunulat para mas maipaliwanag kung gaano kadakila ang pag-ibig ng Dios. Inihambing Niya ang pag-ibig ng Dios sa laki ng agwat ng langit sa lupa (TAL. 11). Sinabi rin doon ang tungkol sa pagpapatawad ng Dios. Kung gaano kalayo ang silangan sa kanluran, ganoon din Niya inilalayo sa atin ang ating mga kasalanan (TAL. 12).
Nais ng manunulat na malaman ng mga nagtitiwala kay Jesus na walang hanggan at sapat ang Kanyang pag-ibig at pagpapatawad. Pinalaya ng Dios ang mga tao mula sa kapangyarihan ng kasalanan sa pamamagitan ng lubusang pagpapatawad sa kanila.
Hindi na natin kailangang hintayin ang Good Riddance Day. Bilang mga sumasampalataya kay Jesus, papatawarin Niya ang ating mga kasalanan kung ihihingi natin ito ng tawad sa Kanya at pagsisihan ang mga ito. Kahit ngayon ay parang Good Riddance Day na dahil sa pagpapatawad ng Dios.