Madalas akong magpunta sa junkyard o sa tambakan ng mga luma at mga sirang sasakyan. Maaaring magdulot ng kalungkutan ang lugar na iyon dahil ang mga sasakyang pag-aari noon ng iba ay lumang luma na at nakatambak na lang. Sa paglalakad ko sa lugar na iyon, may mga napapansin akong ilang mga sasakyan. Saansaan kaya nakarating ang mga sasakyang iyon noong ginagamit pa?
Natutuwa naman ako kapag naikabit ko ang isang lumang piyesa sa isang sasakyan at muli itong gumana. Pakiramdam ko parang bago ang lumang piyesang iyon.
Dahil dito, naalala ko ang mga sinabi ni Jesus, “Binabago Ko na ngayon ang lahat ng bagay!” (PAHAYAG 21:5). Ang mga sinabi Niyang ito ay tumutukoy sa gagawin ng Dios na pagbabago sa Kanyang mga nilikha kasama na ang mga sumampalataya sa Kanya. Ang lahat ng mga sumampalataya kay Jesus ay mga bago nang nilalang (2 CORINTO 5:17).
Darating din ang araw na makakasama na natin si Jesus sa walang hanggan (JUAN 14:3). Sa panahong iyon, hindi na natin aalalahanin ang karamdaman at hindi na rin mahalaga kung ilang taon na tayo. Nawa’y ipahayag o ikuwento natin sa ibang mga hindi pa nagtitiwala kay Jesus ang tungkol sa Kanyang pagliligtas. Ibahagi natin sa kanila ang Kanyang pag-ibig at katapatan.