Isang dalaga ang natatakot dahil may sakit siyang vitiligo. Isa itong uri ng sakit sa balat na nagdudulot ng pamumuti sa ilang bahagi ng katawan. Itinatago niya ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng make-up. Dahil untiunting nawawala ang natural na kulay ng kanyang balat, pakiramdam niya ay nawawala na rin ang kanyang pagkatao.
Minsan, naisip ng dalaga na hindi na niya kailangan pang itago ang sakit niya. Sa tulong ng Dios, natutunan niyang tanggapin ang sarili niya. Hindi na rin siya naglalagay ng makakapal na make-up. Siya ang naging kaunaunahang modelo na may ganitong uri ng sakit para sa isang sikat na kumpanya ng make-up. Nang kapanayamin siya tungkol dito, sinabi niya na nakapagbigay sa kanya ng lakas ng loob ang kanyang pamilya, mga kaibigan at ang pananampalataya niya sa Dios.
Ipinapaalala sa atin ng kuwentong ito na nilikha tayo ayon sa wangis ng Dios. Anuman ang ating hitsura, bawat isa sa atin ay nilikha ayon sa wangis Niya. Naipapakita rin natin sa iba ang kaluwahatian ng Dios bilang Kanyang nilikha. At bilang sumasampalataya kay Jesus, ipakilala natin Siya sa iba sa pamamagitan ng ating mga buhay.
Mayroon ka bang hindi gusto sa iyong hitsura? Alalahanin mo na nilikha ka ng Dios ayon sa Kanyang wangis.