Napansin ko ang tattoo ng aking kaibigan sa kanyang binti na larawan ng laro ng bowling. Sinabi ng aking kaibigan na ipinalagay niya ang tattoo na ito nang marinig niya ang isang kanta. Sinasabi sa kanta na maging masaya tayong gawin ang mga paulit-ulit na gawain. Minsan kasi nakapanghihinayang at parang wala na itong kabuluhan tulad sa mga bowling pin na bakit pa kailangang ayusin kung itutumba naman muli.
Marami talaga tayong ginagawa na kapag natapos ay kailangang gawin ulit gaya ng pagluluto, paglalaba at paglilinis. Hindi na bago ang ganito. Mababasa natin sa aklat ng Mangangaral sa Lumang Tipan ang pagkadismaya ng manunulat sa mga paulit-ulit at walang kabuluhang nangyayari sa buhay ng tao, “Ang mga nangyari noon, nangyayari ulit ngayon. Ang mga ginawa noon, ginagawa ulit ngayon” (MANGANGARAL 1:2-3,9).
Pero gaya ng aking kaibigan, nalaman din ng manunulat na magiging masaya tayo at magkakaroon ng kabuluhan ang ating buhay kapag may takot tayo sa Dios at susundin natin ang Kanyang mga utos (12:13). Gagaan ang ating loob kapag nalaman natin na pinahahalagahan ng Dios ang mga ordinaryong ginagawa natin sa bawat araw. Gagantimpalaan din Niya tayo kapag matapat nating ginagawa ang mga ito (TAL. 14).
Anu-ano ang mga paulit-ulit mong ginagawa bawat araw? Kapag napapagod ka na gawin ang mga ito, isipin mo na ginagawa mo ito dahil minamahal mo ang Dios.