Isang matandang palaboy-laboy si Steve. Minsan, nang subukan niyang kumita ng pera, isang babae ang lumapit sa kanya at binigyan siya ng ilang pirasong pizza. Tinanggap ito ni Steve at nagpasalamat siya. Ibinahagi naman ni Steve ang natanggap niyang pizza sa isa pang nagugutom at walang tirahang tao. Bumalik ang babae at binigyan muli ng pagkain si Steve dahil nakita niya ang pagiging mapagbigay nito.
Ang kuwento ni Steve ay katulad ng matututuhan natin sa Kawikaan 11:25 ng Biblia. Sinasabi dito na kapag tumulong tayo sa iba ay tiyak na tutulungan din naman tayo. Pero hindi tayo dapat magbigay at umasa na may kapalit ito. Ang pagbibigay natin ay madalas na hindi agad nasusuklian. Sa halip na umasa ng kapalit, dapat ay tumulong tayo sa iba bilang pagsunod sa utos sa atin ng Dios (FILIPOS 2:3-4; 1 JUAN 3:17).
Matutuwa sa atin ang Dios kapag ginawa natin ito at pagpapalain Niya tayo. Ang pagpapala Niya ay maaaring sa materyal na bagay o sa pangangailangan nating espirituwal.
Kahit na mahirap ang kalagayan ni Steve, naging halimbawa siya ng pagiging mapagbigay at hindi pagdadamot sa kung anong mayroon tayo. Sa tulong ng ating Dios ay maging mapagbigay din naman tayo sa iba.