Nabulag si Mary Ann Franco dahil sa isang malubhang aksidente sa kotse. Makalipas ang 21 taon, nahulog naman siya at nasaktan ang kanyang likod. Matapos siyang operahan sa likod, himalang nanumbalik ang kanyang paningin. Sa unang pagkakataon ay nakita niya ang mukha ng kanyang anak. Hindi maipaliwanag ng doktor ang panunumbalik ng kanyang paningin. Akala ni Mary Ann na habambuhay na siyang mababalot ng kadiliman dahil sa pagiging bulag. Pero nagkaroong muli ng liwanag at kulay ang kanyang buhay.
Mababasa naman natin sa Biblia na nababalot ng kasamaan ang mundo. Hindi natin nakikita ang pagmamahal ng Dios dahil sa mga kalungkutang naidulot nito (ISAIAS 25:7). Bumubulag sa ating paningin ang pagiging sakim, pagtitiwala sa sariling kakayahan at ang paghahangad natin na maging sikat. Dahil dito, hindi natin lubos na nakikita ang Dios na lumikha ng mga kahanga-hangang bagay (T.1).
Nakakaranas tayo ng kalituhan at kalungkutan sa buhay. Madalas na may pinagdadaanan tayong problema, nagkakamali tayo at nawawalan ng pag-asa. Mabuti na lamang at ipinangako ng Dios na darating ang panahon na “papawiin Niya ang kalungkutan ng mga tao sa lahat ng bansa” (T. 7).
Lagi tayong bibigyan ng pag-asa ng ating Dios. Papawiin Niya ang anumang kalungkutang nararanasan natin. Ipapakita din ng Dios ang Kanyang biyaya at magandang plano sa ating buhay.