Habang naglalakbay ako sa mga bansa sa Asya, nasira ang aking ipad. Ito ay isang maliit na kompyuter na ginagamit ko sa aking trabaho. Pumunta ako sa isang tindahan na gumagawa ng kompyuter pero nagkaroon na naman ako ng isang problema.
Hindi kasi ako marunong magsalita ng wikang Chinese at ang nag-aayos naman ng kompyuter ay hindi marunong magsalita ng wikang Ingles. Pero nagawan ito ng solusyon. Mabuti na lang at may computer program ang nag-aayos ng kompyuter na nagsasalin ng wikang Chinese para maging wikang Ingles. Dahil sa paraang ito ay nagkaunawaan kaming dalawa kahit na magkaiba ang aming wikang ginagamit.
Minsan naman ay tila nahihirapan akong makipag-usap sa Dios at sabihin sa Kanya ang nilalaman ng aking puso. Alam ko na hindi lamang ako ang nakakaranas nito. Marami sa atin ang nahihirapan din minsan kung paano manalangin sa Dios. Pero sinabi sa atin ni Apostol Pablo na tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa ating pananalangin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Dios para sa atin. (ROMA 8:26-27).
Tunay na nakakamangha ang kaloob sa atin na Banal na Espiritu. Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na ang mga nais natin ay naaayon sa layunin ng Dios para sa atin. Dinidinig ang ating mga panalangin dahil sa Banal na Espiritu na namamagitan sa atin.