Minsan, may ipinadalang mga litrato ang lola ko. Nakatawag ng pansin sa akin ang isang larawan noong dalawang taong gulang ako. Makikita sa larawan na nakatingin sa akin ang aking mga magulang habang ako ay nakaupo. Punong-puno ng pagmamahal at kasiyahan ang pagtitig nila sa akin.
Idinikit ko ang litratong ito sa aking kabinet para makikita ko ito tuwing umaga. Ipinapaalala nito ang pagmamahal ng aking mga magulang. Pero sa totoo lang, kahit na ang pagmamahal ng mga mabubuting magulang ay hindi perpekto. Ipinapaalala pa sa akin ng litratong iyon na kahit na binibigo tayo ng pagmamahal ng ibang tao, hindi-hinding tayo bibiguin ng pagmamahal sa atin ng Dios.
Inilarawan naman ni Propeta Zefanias ang pagmamahal na ito ng Dios. Inilarawan niya na umaawit nang may kagalakan ang Dios sa mga Israelita. Kahit na sinuway ng mga Israelita ang Dios, sinabi sa kanila ni Zefanias na ang pag-ibig ng Dios ay mangingibabaw kaysa sa kanilang mga ginawang pagkakamali. Hindi na rin sila paparusahan ng Dios (ZEFANIAS 3:15), at magagalak ang Dios sa kanila (T. 17). Titipunin sila ng Dios at panunumbalikin sa mabuting kalagayan (T. 20).
Ang ganoong uri ng pag-ibig ng Dios ay tunay na kamanghamangha kung isasaisip natin bawat araw.