Isang coach ng basketball ang anak kong si Brian. Kasama ang kanilang koponan para maglaro sa kampeonato ng basketball. Pero kinakabahan siya at ang buong koponan. Gayon pa man, pinalakas niya ang loob ng kanyang mga manlalaro. Sinabi niya sa kanila na maglaro sila nang may kagalakan sa kanilang puso.
Naalala ko rin ang sinabi ni Apostol Pablo sa mga nagtitiwala kay Jesus sa Efeso. Sinabi niya na nais niyang matapos ang ipinapagawa sa kanya ni Jesus nang may kagalakan (MGA GAWA 20:24). Ito rin naman ang aking panalangin para sa aking sarili. Ang matapos ko nang may kagalakan ang ipinapagawa sa akin ng Dios.
Maraming bagay tayo na inirereklamo na nagdudulot sa atin para hindi magalak gaya na lamang ng mga nababasa nating balita, mga araw-araw na problema at mga sakit na ating nararamdaman. Pero maaari tayong bigyan ng kagalakan ng Dios kahit na nararanasan natin ang mga problemang ito. Maaari tayong magkaroon ng kagalakan na katulad ni Jesus (JUAN 15:11).
Ang kagalakan ay bunga ng Banal na Espiritu (GALACIA 5:22). Bawat araw ay maaaari tayong humingi ng kagalakan sa Dios. Makakaasa tayo na bibigyan ng Dios ng kagalakan ang ating mga buhay.