Minsan, bumisita kami ng aking mga anak sa isang lugar kung saan inaalagaan at maaaring pakainin ang mga maliliit na pating. Tinanong ko ang tagapangalaga doon kung may nakagat na bang daliri ang mga pating kapag pinakain ng mga taong bumibisita. Sinabi naman ng tagapangalaga na busog ang mga pating kaya hindi sila mangangagat.
May aral akong natutunan tungkol sa pag-aalaga sa mga pating. Naalala ko ang sinabi sa Kawikaan 27:7 ng Biblia na, “Kahit pulot ay tinatanggihan ng taong busog, ngunit sa taong gutom kahit pagkaing mapait ay matamis para sa kanya.” Maaari naman tayong makagawa ng maling desisyon kapag nagugutom o salat sa mga bagay. Nahihikayat tayo nito na ayos lang na makasakit ng iba basta busog tayo o hindi salat sa mga bagay na ating hinahangad.
Nais naman ng Dios na huwag tayong masyadong maghangad sa buhay na ito. Nais Niyang mapuno tayo ng pag-ibig ng Dios upang maranasan natin ang kasiyahan at kapayapaang nagmumula sa Kanya. Kapag naranasan natin ang walang katulad na pag-ibig ng Dios, makikita natin ang mga bagay na tunay na mahalaga sa atin.
Ang pagtitiwala kay Jesus at pagkakaroon ng maayos na relasyon sa Dios ang magbibigay sa atin ng tunay na kasiyahan. Nawa ay maranasan natin ang kamangha-manghang pag-ibig ni Jesus upang “mapuspos [tayo] ng buong katangian ng Dios” (EFESO 3:19 MBB).