Noong 2017, nagkaroon kami ng pagkakataon na bumisita sa mga nasalanta ng bagyong Harvey. Layunin namin na tulungan sila at palakasin ang kanilang loob. Maging ang aming pananampalataya sa Dios ay mas tumibay habang dinadamayan at tinutulungan namin sila sa kanilang muling pagbangon.

Nagpakita ng malalim na pananampalataya sa Dios ang mga nasalanta ng bagyo. Makikita rin natin ang matibay na pananampalataya ni Propeta Habakuk nang ihayag niya ang mga mangyayari sa bansang Israel sa hinaharap. Sinabi niya na makakaranas ang mga Israelita ng matitinding mga pagsubok (1:5-2:1). Sinabi rin niya ang tatlong maaaring mawala sa hinaharap. Maaaring hindi mamunga ang mga puno ng igos, walang anihin sa mga bukirin at mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan” (3:17).

Ano ang nagiging tugon natin sa mahihirap na pagsubok na ating pinagdaraanan? Paano natin hinaharap ang mga pagsubok gaya ng pagkawala ng trabaho, pagkakaroon ng malubhang sakit, pagpanaw ng mahal sa buhay at pagdanas ng mga sakuna? Tulad ng ipinakitang pagtitiwala sa Dios ni Habakuk, nawa’y magtiwala rin tayo nang lubusan sa Dios kahit na maranasan natin ang mga pagsubok na ito. Siya ang pinagmumulan ng ating kaligtasan at kalakasan (TAL. 18-19).

Maaasahan natin ang Dios dahil hindi Siya nagbabago. Hindi kailanman mabibigo at laging may pag-asa ang mga nagtitiwala sa Kanya.