Minsan, nagpanggap ang anak kong si Geoff na isang mahirap at walang tirahan. Tatlong araw at dalawang gabi siyang tumira sa kalsada na parang palaboy, natulog sa kalye at namalimos. Wala siyang pera, pagkain at tirahan at umasa lang siya sa ibang tao upang tulungan siya. May araw na tinapay lamang ang pagkain niya sa buong maghapon na ibinigay ng isang lalaking kumakain ng tinapay.
Sinabi sa akin ng anak kong si Geoff na ang pagpapanggap niyang iyon ang isa sa pinakamahirap niyang naranasan sa buhay. Gayon pa man, nabago ang pananaw niya tungkol sa pakikitungo sa mga tao. Matapos ng kanyang pagpapanggap, buong araw niyang hinanap ang mga taong walang tirahan na nakilala niya at nagpakita sa kanya ng kabutihan. Tinulungan niya ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. Nagulat sila nang malaman ng mga taong ito na nagpanggap lamang si Geoff na mahirap at walang tirahan. Nagpasalamat sila kay Geoff dahil sa tulong na iniabot niya sa kanila.
Dahil sa naging karanasan ng aking anak, naalala ko ang sinabi ni Jesus na, “Nang wala Akong maisuot ay binihisan ninyo. Nang may sakit Ako ay inalagaan ninyo, at nang nasa kulungan Ako ay binisita ninyo [Ako]… Nang ginawa n'yo ito sa pinakahamak Kong mga kapatid, para na rin n'yo itong ginawa sa Akin” (MATEO 25:36, 40).
Hinihikayat tayo ng Dios na tumulong sa mga nangangailangan. Ang pagpapakita natin ng kabutihang-loob sa iba ay para na rin nating ginagawa kay Jesus.