Ang Rescuers Down Under ay isang pelikulang pambata na ipinalabas noong 1990. May eksena rito kung saan gagamutin ng doktor ang nasugatang si Wilbur na isang uri ng ibon. Takot na takot si Wilbur sa doktor pero itinatago niya ang kanyang takot. Nagkukunwari lamang siya’y matapang at hindi natatakot sa gagawin sa kanya ng doktor.
Naranasan mo na rin bang magkunwaring matapang sa harap ng isang panganib? Ang eksenang iyon sa pelikula ay katulad din ng nararamdaman natin kapag natatakot tayo. Nagkukunwari tayong malakas ang ating loob pero ang totoo ay natatakot talaga tayo.
Kapag natatakot tayo, hindi talaga mapalagay ang ating loob. Kahit na labanan natin ang takot, mas lalo lang tayong hindi napapanatag. Pero nababago ang aking pakiramdam kapag idinadalangin ko sa Panginoon at ipinagkakatiwala sa Kanya ang aking kabalisahan (SALMO 116:4). Gumagaan ang aking pakiramdam (TAL. 7) at ang kapayapaang hindi ko maipaliwanag ay napapasaakin.
Nararamdaman ko ang pagpapanatag sa akin ng Banal na Espiritu sa tuwing natatakot ako. Nauunawaan ko rin ang katotohanang malalabanan natin ang takot kapag ipinagkatiwala natin sa Dios ang lahat ng ating kabalisahan (1 PEDRO 5:6-7).