Nagtayo si Ernie Clark ng pagawaan ng bisikleta na malapit sa aming bahay. Inaayos niya at ng kanyang mga kasama ang mga lumang bisikleta at ipinamimigay nila ito sa mga batang pulubi. Binibigyan din nila ang mga walang tirahan, mga may kapansanan at pati mga beterano ng digmaan. Hindi lamang nagkakaroon ng bagong silbi ang mga ginawang bisikleta, nagkakaroon din ng bagong pagkakataon ang mga taong gumagamit nito.
Nababago rin naman ang buhay ng isang tao kapag nabibigyan siya ng isa pang pagkakataon lalo na kapag mula ito sa Dios. Naranasan ni Propeta Micas ang biyayang ito ng Panginoon nang magkasala ang bansang Israel. Umiyak si Micas at sinabing, “Wala na akong nakitang tao sa Israel na tapat sa Dios. Wala nang natirang taong matuwid” (MICAS 7:2).
Alam ni Mikas na matuwid ang Dios at parurusahan Niya ang nagkasala. Pero dahil mapagmahal Siyang Dios, handa Siyang magbigay ng isa pang pagkakataon sa mga magsisisi sa kanilang kasalanan. Dahil sa pagmamahal ng Dios kaya nasabi ni Micas, “Wala na pong ibang Dios na tulad Ninyo. Pinatawad N'yo ang kasalanan ng mga natitirang mamamayan na pag-aari Ninyo” (T. 18).
Patatawarin din tayo ng Dios kapag lumapit tayo sa Kanya at humingi ng tawad sa ating mga kasalanan. Gaya ng sinabi ni Micas sa ating Dios, “Muli N'yo kaming kaawaan at alisin N'yo po ang lahat naming mga kasalanan. Yurakan N'yo ito at itapon sa kailaliman ng dagat.” (TAL. 19).