Nakaugalian ko nang hintayin palagi ang aking mga anak lalo na kapag gabi na sila nakakauwi ng bahay. Gusto kong siguruhin na ligtas silang nakakauwi ng bahay. Pero minsan, nakatulog ako habang hinihintay ko ang isa kong anak. Hindi talaga maiiwasan na kahit maganda ang intensyon nating gawin ang isang bagay, nabibigo tayo minsan na magawa ito. Tao lang kasi tayo.
Pero hindi kailanman nabibigo ang ating Dios na gawin ang mga dapat Niyang gawin. Mababasa natin sa Salmo 121 kung paano iniingatan at pinoprotektahan ng Dios ang Kanyang mga anak. Sinabi ng sumulat ng salmo na ang Dios na nagbabantay sa atin ay “hindi natutulog” (T. 3). Inulit din ang kotohanang ito sa talatang 4 na ang Dios ay “hindi umiidlip o natutulog.”
Hindi kailanman natutulog ang Dios sa pagbabantay sa atin. Lagi Niya tayong pinapatnubayan. Ginagawa Niya ito dahil sa lubos Niyang pagmamahal sa atin.
Lagi rin nating ipagpasalamat ang pangako ng Dios na hindi Niya tayo iiwan kailanman.