Napanaginipan ko na naimbitahan daw ako na makilala ang isang sikat na tumutugtog ng piano. Tuwangtuwa ako sa pagkakataong iyon dahil mahilig akong tumugtog at kumanta. Pero sa panaginip ko, pinatugtog ako ng piyanista ng isang instrumento na hindi ko alam kung paano tugtugin. Sinabi ko sa kanya na hindi ko kayang tugtugin ang instrumento kaya umalis na rin ako. Pagkatapos noon ay nagising ako at naisip ko na bakit kaya hindi ko nasabi sa piyanista na sa halip na tugtugin ang instrumentong iyon ay marunong naman akong kumanta.
Nais rin naman ng Dios na pagyamanin natin ang ating mga talento at kaloob na espirituwal upang mapakinabangan ng iba (1 CORINTO 12:7). Malalaman natin ang natatangi nating kaloob na espirituwal kung magbabasa tayo ng Biblia at makikinig sa payo ng iba. Ipinaalala rin sa atin ni Apostol Pablo na kailangan nating alamin at gamitin ang ating kaloob na espirituwal.
Ang mga kaloob na ito ay mula sa Espiritu na namamahagi sa bawat isa ayon sa Kanyang pasya (TAL. 11).
Gamitin natin ang ating mga talento at kaloob upang luwalhatiin ang Dios at mapaglingkuran ang iba.