Binigyan kami ng aking kaklase ng isang magandang uri ng aso. Pero nalaman namin na ang asong ito ay palagi lamang nakakulong sa kanyang kulungan noon. Kaya naman, paikot-ikot lamang ito sa paglalakad at hindi rin makatakbo sa malayo. Kahit na nasa maluwang itong bakuran, hindi pa rin ito malayang tumatakbo dahil akala ng aso ay nakakulong pa rin ito.
Ang mga Judio naman na unang sumasampalataya noon kay Jesus ay tila nakagapos din sa pagsunod sa kautusan ni Moses. Mabuti ang kautusan at ibinigay talaga ito ng Dios para malaman ng tao na makasalanan sila at para sumampalataya sila kay Jesus (GALACIA 3:19-25). Gayon pa man, kailangan na nila ngayong ipamuhay ang kanilang pananampalataya na nakabatay na sa kagandahang-loob ng Dios at kalayaan na ipinagkaloob ni Cristo. Kahit wala na sila sa ilalim ng kautusan, nag-aalinlangan sila kung tunay ba silang malaya.
Maaaring nakakaranas din tayo ng ganitong problema. Maaaring kabilang tayo sa isang simbahan na may mahihigpit na batas na dapat nating sundin. Pero alalahanin natin na pinalaya na tayo ni Cristo sa ilalim ng kautusan (GAL. 5:1). Pinalaya tayo ni Jesus upang tanggapin at sumunod sa Kanyang mga utos bilang taos-pusong pagpapakita ng ating pagmamahal sa Kanya (JUAN 14:21).
Nais din in Jesus na “magmahalan tayo at magtulungan” (GALACIA 5:13). Magkakaroon ng lubos na kagalakan at pag-ibig ang isang taong naunawaan ang sinabing itong sa Biblia, “Kung ang Anak ng Dios ang magpapalaya sa inyo, talagang magiging malaya kayo” (JUAN 8:36).