Noong ako ay nag-aaral pa, mayroon akong nagustuhang babae na ang pangalan ay Saralyn. Hindi ko alam kung nalaman niya ito dahil hindi na kami nagkita pagkatapos ng graduation. Wala na rin akong narinig na balita tungkol sa kanya sa paglipas ng maraming taon.
Nagulat na lamang ako nang mabalitaan ko na namatay na pala si Saralyn. Napaisip ako kung anong uri ng buhay kaya ang kanyang tinahak sa loob ng mga taong hindi kami nagkita. Sa aking pagtanda, ilang beses na rin akong nawalan ng mga taong malalapit sa akin. Marami naman sa atin ang ayaw pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na ito.
Sa gitna ng ating pangungulila, binigyang-diin ni Apostol Pablo na hindi katapusan ang kamatayan (I CORINTO 15:54-55). May kasunod pa ang kamatayan, at ito ang muling pagkabuhay. Naniniwala si Pablo sa pag-asang dulot ng muling pagkabuhay ni Cristo (TAL.12). Sinabi niya, “Kung si Cristo'y hindi muling nabuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral, at wala ring silbi ang inyong pananampalataya. (TAL.14). Kaawa-awa tayo kung ang pag-asa natin kay Cristo ay hanggang sa buhay lamang na ito (TAL.19).
Darating ang araw, muli nating makikita ang mga kapwa natin mananampalataya kay Cristo na namatay na (TAL.18).
May pag-asa tayo dahil sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Jesu-Cristo.