Habang nakaupo at nagpapahinga si Shirley, natanaw niya mula sa bintana ang matandang mag-asawa na nahihirapang mag-ayos ng bakod. Tinutulungan ni Shirley at ng kanyang asawa ang kapitbahay nilang Vietnamese. Nang matapos na ang kanilang ginagawa, tinanong ng matandang babae kung puwede niyang maging kaibigan si Shirley at pumayag naman ito. Kalaunan, nalaman ni Shirley na kakaunting Ingles lamang ang alam ng mag-asawa at nalulungkot ang mga ito dahil naninirahan na sa malayo ang kanilang mga anak.
Sa Lumang Tipan ng Biblia, ipinaalala ng Dios sa mga Israelita ang kanilang karanasan bilang dayuhan (LEVITICUS 19:34) at kung papaano dapat makitungo sa iba (TAL 9-18). Pinili sila ng Dios na maging natatangi niyang mamamayan at bilang pagtanaw dito, nais ng Dios na maging pagpapala sila sa ibang tao. Magagawa nila ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang kapwa tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sarili.
Ang tagubiling ito ay paalaala rin sa atin na nasa kasalukuyang panahon, “Mahalin mo ang Panginoon mong Dios...Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili” (MATEO 22:37-39).
Sa pamamagitan ng Espiritu ni Cristo na sumasaatin, magagawa nating ibigin ang Dios at ang ating kapwa dahil mas una na tayong inibig ng Dios (GALACIA 5:22-23; 1 JUAN 4:19).
Kanino mo kaya maaaring ipadama ang pag-ibig ni Cristo?