Napakaganda ng Notre Dame Cathedral sa Paris. Kamangha-mangha ang pagkakadisenyo rito. Pero sa paglipas ng ilang siglo, unti-unti nang nawala ang ganda nito dahil sa naluma na ito at dahil na rin sa naidulot ng sunog sa simbahang ito. Mahigit sa bilyong dolyar ang samasamang nilikom ng mga tao para sa pagpapaayos nito. Kahit malaking halaga ang gugugulin at marami ang dapat baguhin, magiging sulit ang lahat dahil ang istrakturang ito ay simbolo ng pag-asa para sa kanila.
Ang nangyari sa katedral ay gaya rin ng nangyayari sa ating katawan. Unti-unti ring humihina ang ating katawan sa paglipas ng panahon tulad ng nangyari sa simbahan.
Pero kahit ganoon, may magandang balita na sinabi sa atin si Apostol Pablo, “Kahit na unti-unting humihina ang [ating] katawan, patuloy namang lumalakas ang [ating] espiritu (2 CORINTO 4:16).
Habang sinisikap nating malugod ang Dios (5:9) at sa tulong ng Banal na Espiritu na siyang tumutulong sa atin na magbago (3:18; EFESO 5:18), hindi dapat tumigil ang patuloy na pagtatag ng ating pananampalataya kahit pa manghina na ang ating katawan.