Narinig na ba ninyo ang tungkol sa mga ‘trolls’ sa social media? Sila ay ang mga laging nagpapakalat ng mga masasakit o mapanirang komento laban sa ibang tao. Para tumigil sila sa masamang gawaing ito, hindi na lang dapat bigyan ng pansin ang mga masasakit na sinasabi nila.
Hindi na naman bago sa atin ang makasalamuha ng mga taong walang masabing mabuti sa kapwa. Ang hindi pagbibigay-pansin sa mga ‘trolls’ ay nagpapaalala sa atin sa sinasabi sa Kawikaan 26:4, “Huwag mong sagutin ang hangal kung nakikipag-usap siya sa iyo ng kahangalan, at baka matulad ka rin sa kanya.”
Sa kabilang banda, alalahanin natin na kahit ang mga taong ito ay minamahal din ng Dios kaya pakitaan pa rin natin sila ng kabutihan. Ingatan natin na hindi tayo maging marahas o mapagmataas sa ating pakikitungo sa kanila (TINGNAN ANG MATEO 5:22). Kailangan na maging mapagpakumbaba tayo at humingi ng tulong sa Dios upang gabayan tayo kung paano natin maipapakita ang ating pag-ibig sa kapwa sa anumang sitwasyon (TINGNAN SA COLOSAS 4:5-6). May mga panahong kailangan nating magsalita at minsan nama’y mas makabubuti na tumahimik na lang.
Nawa’y maging payapa ang ating loob sa katotohanang ang Dios na nagbago sa ating puso noong wala pa tayong relasyon sa Kanya (ROMA 5:6) ang siya ring magbabago sa puso ng mga taong mapanakit sa kapwa.