Isinulat ko sa aking notebook ang mga sinabi ng aming park guide tungkol sa mga halaman sa kagubatan ng Bahamas nang minsang magpunta kami sa isang parke. Itinuro niya rin sa amin kung ano ang halamang nakakalason. Sinabi naman niya na ang gamot sa lason ay ang sanga ng katabi lamang din ng halaman.
Namangha ako sa kung papaanong naisasalarawan ng dalawang halaman ang konsepto ng kaligtasan. Naalala ko si Jesus sa halamang gamot sa lason. Siya ang handang lunas sa anumang lason na dulot ng kasalanan. Gaya ng sanga, nagbibigay ng kagalingan ang dugo ni Jesus.
Nauuwaan naman ni Propeta Isaias na kailangan ng sangkatauhan ng lunas sa kasalanan. Sinabi niya na ang ating kagalingan ay magmumula sa pagsasakripisyo ng isang tao na siyang aako ng lahat ng ating mga kasalanan (ISAIAS 53:3). At iyon nga ang Anak ng Dios na si Jesus. Tulad tayo ng taong may malubhang sakit, pero handa si Cristo na mamatay alang-alang sa atin. Kung sasampalataya tayo sa Kanya, paga-galingin Niya tayo mula sa sakit na dulot ng ating mga kasalanan (TAL. 5).
Maaring abutin ng habambuhay bago tayo matutong mamuhay na gaya ng mga pinagaling na, subalit magagawa natin ito sa tulong ni JHesus.