Minsan, nagkuwento si Jim tungkol sa mga problemang nararanasan niya sa kanyang mga katrabaho. Mapanghusga raw sila at madalas silang nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Pinakinggan ko siyang mabuti at pagkatapos nito, iminungkahi ko sa kanya na tanungin namin si Jesus kung ano kaya ang gagawin Niya sa ganoong sitwasyon. Sa loob ng limang minuto ng aming pagtahimik ay nadama namin ang kapayapaang mula sa Dios. Naging panatag kami dahil nadama namin ang pangunguna sa amin ng Dios at mas lumakas ang aming loob na harapin ang mga problema.
Naranasan din ni Apostol Pedro ang kapanatagan na mula sa Dios noong isang gabing bumabagyo at naglalayag sila ng mga alagad ni Jesus sa Karagatan ng Galilea. Nagulat noon ang mga alagad nang may nakita silang naglalakad sa dagat. Pero agad na nagsalita si Jesus, “Ako ito! Huwag kayong matakot. Lakasan ninyo ang inyong loob” (MATEO 14:27).
Nang marinig ito ni Pedro, kaagad niyang tinanong si Jesus kung maaari siyang sumama sa Kanya sa ibabaw ng tubig. Nang pumayag si Jesus, bumaba si Pedro ng bangka at naglakad patungo kay Jesus. Nang mapansin niyang malakas ang hangin, natakot siya at untiunting lumubog. Sumigaw siya, “Panginoon, iligtas N’yo ako!” Agad naman siyang inabot ni Jesus (TAL. 30-31).
Sa nangyaring iyon kay Pedro, nawa’y alalahanin natin na si Jesus na Anak ng Dios ay kasama natin kahit sa pagharap sa mga problema o sa mga pagsubok ng ating buhay.