Kilala ang ministrong si Augustus Toplady sa kanyang isinulat na himno na may pamagat na “Rock of Ages.” Isinulat niya ang awiting ito nang manatili siya sa isang yungib sa Somerset, England upang makaligtas sa malakas na bagyo. Naranasan niya noon ang kapayapaan na mula sa Dios at ang pagiging kanyang kanlungan sa gitna ng panganib.

Maaaring naisip ni Augustus noong mga pagkakataong iyon ang naging karanasan ni Moises nang pinatayo siya ng Dios sa bato (EXODUS 33:22). Nais ni Moises na tiyakin ng Dios na sasamahan Niya sila. Nang hilingin ni Moises na ipakita ng Dios ang Kanyang makapangyarihang presensya, sumagot ang Dios at sinabing ipapakita Niya ang Kanyang kabutihan pero hindi Niya ipapakita kay Moises ang Kanyang mukha dahil walang nakakita sa Kanya na nabuhay (TAL. 20). Ayaw ng Dios na mamatay si Moises kaya ipinasok Niya ito sa siwang ng bato at tinakpan ng Kanyang kamay hanggang makadaan ang makapangyarihang presensya Niya. At noon ay natiyak ni Moises na kasama niya ang Dios.

Tulad ni Moises, nawa’y magtiwala rin tayo na kasama natin ang Dios at Siya ang ating kanlungan (TAL. 14). Maraming unos at pagsubok tayong mararanasanan sa ating buhay tulad nina Moises at Augustus. Pero makakaasa tayo na magkakaroon tayo ng kapayapaan dahil kasama natin ang Dios.