Nang tinulungan ng mga taga-France ang mga Jewish refugee upang magtago sa mga Nazis noong World War II, umawit sila sa kagubatan upang malaman ng mga refugee na ligtas na silang lumabas sa kanilang mga tinataguan. Ang mga matatapang na taong ito ng Le Chambon-sur-Lignon ang tumugon sa panawagan ni Pastor Andre Trocme at ng kanyang asawa upang kumupkop sa mga refugee sa pamamagitan ng ‘La Montagne Protestante.’ Ang ginawa nilang pag-awit at pagkalinga ay nagligtas sa napipintong kamatayan ng 3,000 Jewish refugees.
Tulad ng mga taga-France, si David ay umawit din sa kabila nang pagpapadala ng kaaway niyang si Saul ng mga mandirigma sa kanyang tahanan. Ang kanyang awit ay bilang pasasalamat niya sa Dios na kanyang kanlungan sa panahon ng panganib. Nagagalak si David at nasambit niya ang ganito, “Ngunit ako ay aawit tungkol sa Inyong kapangyarihan.
Tuwing umaga aawit ako nang may mga kagalakan tungkol sa Inyong pag-ibig. Sapagkat Kayo ang aking kanlungan sa oras ng kagipitan.” (SALMO 59:16). Umawit si David upang ipakita ang kanyang pagtitiwala sa Panginoon, “Kayo ang aking kanlungan at Dios na sa akin ay nagmamahal” (TAL. 17).
Ang pag-awit ni David at ng mga taga-Le Chambon ay nagaanyaya sa atin upang papurihan ang Panginoon sa kabila ng mga alalahanin at pagsubok na ating dinaranas. Tunay naman na tutugon ang ating mapagmahal na Dios sa pamamagitan ng pagpapatatag sa ating mga puso.