Pumunta ako sa doktor upang ipatingin ang matagal nang namumula sa aking ilong. Matapos ng ilang araw na paghihintay sa resulta ng aking biopsy, nalaman kong may kanser ako sa balat. Kahit na ang klase ng kanser na ito ay hindi masyadong malala at kayang gamutin, maituturing pa rin ito na mapait na katotohanan na kailangan kong tanggapin.
Naalala ko naman ang pag-uutos ng Dios kay Ezekiel na isuboang nakabilot na librong naglalaman ng panaghoy at pagdadalamhati (EZEKIEL 2:10; 3:1-2). Kakainin ito ni Ezekiel at ipapahayag sa mga Israelita ang tungkol katigasan ng kanilang ulo at paglapastangan sa Dios (2:4). Ngunit nang kainin ni Ezekiel ang aklat, sinabi niyang matamis ito gaya ng pulot (3:3).
Naging maganda ang tugon ni Ezekiel sa pagtutuwid ng Dios. Sa halip na iwasan at suwayin ang utos ng Dios, kinilala niya na ang mabuti sa kaluluwa ay itinuturing na matamis. Kapag may inuutos sa atin ang Dios o tinutuwid Niya tayo, ginagawa Niya ito nang may pagmamahal. Tinutulungan tayo ng Dios na makapamuhay nang naayon sa nais Niya.
Makakabasa tayo ng mga katotohanan sa Biblia na tila matamis na pulot at mayroon din naman na tila mapait tulad ng pagtutuwid ng Dios. Kung aalalahanin natin kung gaano tayo kamahal ng Dios, maituturing nating matamis na parang pulot ang Kanyang mga Salita. Ipinagkaloob Niya ang mga ito upang magbigay sa atin ng karunungan. Tutulungan tayo ng Dios upang malasahan ang tamis ng Kanyang mga Salita.