Isang grupo ng pampublikong manggagamot sa San Franciso ang nagbigay ng libreng konsultasyon at mga gamot para sa mga tao sa lansangan na nalulong sa bawal na gamot. Ang programang ito ay isang tugon sa lumalalang bilang ng mga gumagamit ng bawal na gamot na nakatira sa lansangan. Dahil dito, hindi na nila kailangang gumastos ng pamasahe para magpagamot.
Ang kabutihang-loob ng mga manggagamot na pumunta sa lansangan para tulungan ang mga lulong sa bawal na gamot ay nagpapaalala sa atin ng pagtulong ni Jesus sa panahon ng ating pangangailangan. Sa Marcos 2:16-17, tinanong ng mga Pariseong tagapagturo kung bakit kumakain si Jesus na kasama ang mga maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sumagot naman si Jesus, “Ang mga taong walang sakit ay hindi nangangailangan ng doktor, kundi ang mga may sakit. Naparito Ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid kundi ang mga makasalanan.”
Kung itinuturing natin na tayo’y parang may sakit din dahil sa makasalanan tayo at nangangailangan ng doktor (ROMA 3:10), mas makikita natin kung gaano kabuti ng ating Panginoong Jesus.
Handa Siyang kumain na kasama ng mga maniningil ng buwis at mga makasalanan na tulad natin. Gaya naman ng mga manggagamot sa San Francisco, itinalaga tayo ng Panginoon upang maipahayag ang Magandang Balita ng kaligtasan sa mga nangangailangan.