Noong bata ako, gustong-gusto kong manghuli ng paru-paru. Minsan, kumuha ako ng bote sa aming kusina para ilagay ang paru-parung mahuhuli ko. Nang pabalik na ako sa aming bakuran, nadapa ako at nabasag ang bote. Dahil dito, nasugatan ako sa may pulso at kinailangan itong tahiin. Sa ngayon, ang pilat sa aking pulso ay nagpapaalala sa akin ng kuwento ng pagkakasugat ko at ng paggaling nito.
Tulad ng natamo kong pilat, taglay din ni Jesus and sugat at pilat Niya nang magpakita Siya sa mga alagad matapos Niyang mabuhay muli mula sa pagkakapako sa krus. Ayon sa Aklat ni Juan, ipinahipo ni Jesus kay Tomas ang kamay at taligiran Niya upang maniwala si Tomas na Siya talaga si Jesus (JUAN 20: 25, 27). Nang mabuhay muli si Jesus, taglay pa rin Niya ang Kanyang mga pilat mula sa Kanyang sugat na magpapatunay sa mga alagad na Siya rin ang parehong Jesus na napako sa krus.
Ang mga pilat ni Jesus ang nagpapatunay na Siya ang ating Tagapagligtas at nagpapahayag sa kuwento ng pagliligtas Niya sa atin. Ang mga sugat sa kanyang mga kamay, paa at tagiliran ay simbolo ng matinding sakit at paghihirap na dinanas ni Jesus sa krus para sa atin. Sumisimbolo rin ito sa kagalingang nakamit natin dahil sa Kanyang pagkamatay. Tiniis ni Jesus ang lahat ng paghihirap para muli tayong makalapit sa Dios at upang magkaroon tayo ng bagong buhay.
Binibigyang pansin mo ba ang kuwentong hatid ng mga pilat ng Panginoong Jesus?