Ang isang pinto sa St. Patrick’s Cathedral sa Dublin ay may kaakibat na isang lumang kuwento. Noong 1492, nagkaroon ng pag-aaway ang pamilya FitzGerald at pamilya Butler. Nang tumindi ang kanilang hidwaan, nagtago ang pamilyang Butler sa nasabing simbahan. Nang pumunta sa simbahan ang pamilya FitzGerald para makipagkasundo, hindi sila pinagbuksan ng mga Butler dahil sa takot na baka patayin sila ng mga ito. Pero para patunayan naman ang mabuting intensyon ng mga FitzGerald, binutasan ng lider ng kanilang pamilya ang pinto para makipagkamay sa mga Butler. Dahil doon, nagkasundo na ang dalawang pamilya at naging magkaibigan.
Binubuksan naman ng Dios ang Kanyang pintuan para makipagkasundo sa atin. Ang pakikipagkasundo sa Dios ang nais iparating ni Apostol Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Corinto. Dahil sa kahabagan ng Dios, hindi Niya hinayaan na manatili tayong mga kaaway Niya. Lubos tayong minamahal ng Dios at nais Niyang maging maayos ang nasira nating relasyon sa Kanya. Kaya naman, inialay ni Jesus ang Kanyang buhay sa krus. Sinabi ni Pablo, “Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa Kanya sa pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan” (2 CORINTO 5:19).
Binubuksan namaNabayaran ang ating mga kasalanan nang si Cristo ay itinuring na makasalanan alang-alang sa atin. At dahil dito, naging maayos ang ating relasyon sa Dios (TAL. 21).
Dahil may maayos na tayong relasyon sa Dios, ipahayag natin sa iba ang tungkol sa pagnanais ng Dios na pakikipagkasundo. Handa Niyang patawarin ang kasalanan ng sinumang sasampalataya sa Kanya.