Habang sinasalanta ng napalakas na bagyo ang Wilmington, North Carolina, naghahanda naman ang aking anak sa paglikas sa lugar na iyon. Nagmamadali niyang pinili ang mga mahahalagang dokumento at iba pang gamit na maaari niyang dalhin. Nahihirapan siyang magdesisyon kung ano ang kanyang dadalhin. Hindi niya raw kasi alam kung may babalikan pa siya pagkatapos ng bagyo.
Mayroon din naman na parang mga kalamidad na nangyayari sa ating buhay: binagyo, nilindol, binaha, namroblema sa pamilya, nagkasakit at nawalan ng mga ari-arian. Kaya naman, maaari talagang mawala sa isang iglap ang lahat ng mga bagay na ating pinapahalagahan.
Sa panahong nakakaranas tayo ng mga malabagyong problema, may ligtas tayong lugar na matatakbuhan. Sinabi sa Biblia, “Ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan. Siya’y laging nakahandang sumaklolo sa oras ng kagipitan. Kaya huwag tayong matakot kahit lumindol man at gumuho ang mga bundok” (SALMO 46:1-2).
Mula sa lahing mga naglilingkod sa Dios ang mga sumulat ng salmong iyon. Pero nagrebelde sila sa Dios at nalipol sa pamamagitan ng lindol (TINGNAN ANG BILANG 26:9-11). Makikita naman sa kanilang mga isinulat ang kababaangloob. Makikita rin ang kanilang malalim na pagkaunawa sa kadakilaan, kahabagan at pag-ibig ng Dios.
Dumating man ang mga problema, kayang-kaya itong solusyunan ng Dios. Kaya naman, napagtatanto ng mga humihingi ng tulong sa Dios na hindi Siya mayayanig ng mga problema. Sa pagkalinga ng Dios, nagkakaroon tayo ng kapayapaan sa gitna ng ating mga malabagyong problema.