May madalas sabihin ang aking tatlong taong gulang na pamangkin na si Jena na nakakapagpalambot sa puso ko. Kapag may gustong gusto siya kahit mga simpleng bagay lang, sasabihin niya, “Minamahal ko ito ng buong-buo!”
Minsan napapaisip din ako kung kailan ba ako huling nag-mahal nang buong-buo, ‘yong walang itinatago at kinatatakutan.
Sinasabi naman sa sulat ni Apostol Juan, “Ang Dios ay pag-ibig” (I JUAN 4:8,16). Paulit-ulit niya itong isinulat para ipaunawa sa atin na tunay tayong minamahal ng Dios at hindi tayo dapat manangan sa ating takot, galit o kahihiyan. Madalas kasi tayong nadadaya ng ating takot, galit o kahihiyan. Kaya naman, para sa atin ay mahirap ibigay ang ating pagmamahal ng buong-buo.
Pero sa kabila ng pandarayang ito (TAL. 5-6), nananatili pa rin ang katotohanan na lubos tayong minamahal ng Dios. Nagliliwanag ito sa kadiliman at patuloy tayong hinihikayat na magpakumbaba, magtiwala at magmahal (1:7-9; 3:18). Kahit ano mang masakit na katotohanan ang ipakita ng liwanag na ito, alam nating may nagmamahal sa atin.(TAL. 4:10,18 ; ROMA 8:1).
Kapag ibinubulong sa akin ni Jenna na “Mahal kita nang buong-buo” sinasagot ko siya ng “Mahal din kita ng buongbuo.” Nagpapasalamat ako dahil nagsilbi itong paalala na may nagmamahal sa akin sa lahat ng pagkakataon. Paalala rin ito na walang hangganan ang pag-ibig ng Dios.