Matagal niyang pinaghandaan ang kompetisyon na ito pero ayaw na niyang tumuloy dahil natatakot siyang baka hindi niya magawa nang tama. Gayunpaman, pinili niya pa ring simulan ang pakikipagkarera hanggang sa paisa-isa nang nakakaabot sa finish line ang mga kasama niya maliban sa kanya. Inaasahan na ng kanyang ina na sasalubungin niya ang kanyang anak na malungkot. Pero sa halip, nang makita siya ng kanyang anak sa finish line, sumigaw ito ng “Ang saya!”
Ano ang masaya sa pagiging panghuli sa karera?
Mahirap ang pinagdaaanan sa kompetisyon ng manlalarong ito pero matiyaga niya pa ring tinapos. Sa larong katulad ng pagtakbo at ng iba pa, kinakailangan nating maging matiyaga, masikap at masipag upang matapos natin ito. Ang kahalagahan ng mga katangiang ito ay binanggit din sa Biblia
Sinasabi sa Kawikaan 12:24, “Ang taong masipag ay magiging pinuno, ngunit ang tamad ay magiging alipin.” Mababasa din sa Kawikaan 14:23, “Ang masikap sa trabaho ay may pakinabang. Ngunit magiging mahirap ang puro salita lang.” Makakatulong ang mga prinsipyong ito para mas mapaglingkuran natin nang mabuti ang Dios.
Kasama sa plano sa atin ng Dios ang pagtatrabaho. Kahit si Adan ay inutusan ng Dios na alagaan ang Hardin ng Eden (GENESIS 2:15). At ano man ang gagawin natin, gawin natin ito nang may buong katapatan (COLOSAS 3:23). Gawin natin ang ating mga tungkulin sa pamamagitan ng lakas na ibinigay ng Panginoon at ipaubaya natin sa Kanya ano man ang resulta nito.