Ilang taon na ang nakakalipas, nagkaroon ng malaking problema ang ilang mga sundalo habang nasa kagubatan sila. May isang uri ng baging ang pumulupot nang mahigpit sa kanilang katawan at nahirapan silang makaalis mula rito. Naging hadlang ito sa kanilang pakikipaglaban. Tinawag nila ang baging na “sandali lang” dahil kailangan nilang magpahintay sa iba dahil dito.
Mahihirapan din naman tayong sumunod kay Jesus kung nakatali tayo sa kasalanan. Sinasabi sa Hebreo 12:1 na talikuran na natin ang kasalanang pumipigil sa atin at alisin ang ano mang hadlang na pumipigil sa atin. Pero paano nga ba natin aalisin ang kasalanang pumipigil sa atin?
Tanging si Jesus lang ang puwedeng magpalaya sa atin mula sa kasalanan kaya sa Kanya lang tayo dapat magtiwala bilang ating Tagapagligtas (12:2). Siya na Anak ng Dios ay nagkatawang tao at tinukso din pero hindi nagkasala (2:17-18; 4:15).
Hindi natin magagawang makalaya sa kasalanang umaalipin sa atin sa sarili nating kakayahan pero sa tulong ng Dios, maaari nating maiwasan ang mga tukso. Sa pamamagitan ng lakas na ibinibigay ng Dios, makakaya nating talikuran ang kasalanang pumipigil sa atin na gawin ang tama (1 CORINTO 10:13).