Nang magpasya ang isang kapamilya ko na mag-iba ng relihiyon, marami sa mga kaibigan ko na nagtitiwala kay Jesus ang nagsabi na dapat ko siyang kumbinsihin na bumalik kay Jesus. Maraming tao din ang napapakunot-noo kapag nakikita ang kakaiba niyang pananamit. Ang iba naman ay nagsasabi pa ng masasakit na salita.
May itinuro si Moises na mas magandang paraan ng pakikitungo sa mga tao na iba ang paniniwala at pananamit kumpara sa atin. Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Huwag ninyong pagmamalupitan ang mga dayuhan dahil kayo mismo ay nakakaalam ng damdamin ng isang dayuhan, dahil mga dayuhan din kayo noon sa Ehipto” (EXODUS 23:9).
Ang mga utos ng Dios tungkol sa mga estranghero o mga taong madalas kutyain at apihin ay inulit sa Exodus 22:21 at Leviticus 19:33.
Kaya naman, kapag kasama ko ang kapamilya kong iyon, sinisikap kong ipakita sa kanya ang kabaitan at respeto na gusto ko ring matanggap. Isa ito sa mga paraan para maipakita sa kanya ang pagmamahal ni Jesus. Sa halip na pahiyain siya, ipinapadama ko sa kanya ang aking pagmamahal dahil minamahal tayong lahat ng Panginoong Jesus.