Kahit na 94 na taong gulang na si Lenore Dunlop, masayahin parin siya, matalas ang memorya at may nakakahawang kasiglahan sa pagmamahal kay Jesus. Palagi siyang makikitang kasama ang mga kabataan at nagpapasaya at nagpapalakas sa kanila. Napakasigla ng buhay ni Lenore kaya lubos naming ikinalungkot ang pagkamatay niya. Para siyang isang manlalaro na buong lakas na tumakbo papunta sa dulo. Sa katunayan, bago siya mamatay, natapos niya pa ang isang buong aralin tungkol sa pagpapakilala kay Jesus sa mga tao.
Ipinapakita ng mabungang buhay ni Lenore ang nasusulat sa Salmo 92:12- 15 kung saan binabanggit ang paglago at pagbubunga ng mga taong may tamang relasyon sa Dios (TAL. 12-13).
Tulad ng dalawang puno na lumalago at namumunga kahit matanda na, ipinapakita ng manunulat ng Salmo na uunlad ang buhay ng matuwid at patuloy na nagbibigay ng pakinabang. Kung nakikita natin sa buhay natin na namumunga tayo sa pagmamahal at pagtulong sa iba na lumapit din kay Jesus, dapat tayong magsaya.
Kahit na matanda na, hindi pa rin huli ang lahat para maging kapaki-pakinabang tayo. Makikita sa buhay ni Lenore ang kanyang matibay na pananampalataya sa Panginoong Jesus. Bagamat matanda na, patuloy niyang ipinapahayag sa iba ang tungkol kay Jesus at sa kabutihan ng Dios (TAL. 15). Kaya din natin itong gawin.