Noong dumalaw sa isang museo sa Russia ang manunulat na si Henri Nouwen, matagal niyang tinitigan ang ipininta ni Rembrandt tungkol sa Alibughang Anak. Sa paningin niya, parang nag-iiba ang larawan tuwing nagbabago ang sinag ng liwanag mula sa bintana dahil sa paglubog ng araw. Nagpapakita ang bawat larawan ng pagmamahal ng ama sa suwail na anak.
Inilarawan naman ni Nouwen na noong alas-4 ng hapon, nakita niya na para bang humakbang ang tatlong tao sa obra. Yung isa ay ang nakatatandang kapatid na hindi masaya sa muling pagtanggap ng tatay niya sa kapatid na lumustay ng kayamanan at nagpahiya sa kanila (LUCAS 15:28-30).
Ang dalawang larawan naman ay mga Pariseo na nakikinig habang ikinukuwento ni Jesus ang tungkol sa anak na ito. Kinukutya nila ang mga makasalanang nakikinig kay Jesus (T.1-2).
Nakita ni Nouwen ang sarili niya sa lahat ng karakter sa istorya; sa alibughang anak, sa mapangutyang kapatid at mga Pariseo, at sa mapagmahal na ama.
Nakikita rin ba natin ang ating sarili sa ipininta ni Rembrandt? Saan mo nakikita ang sarili mo? Minsan, ang mga kuwento ni Jesus ay tungkol sa atin.