Simula pagkabata, hinangad na ng kompositor na si Guiseppi Verdi na masiyahan sa kanya ang mga tao. Iyon ang naging dahilan kung bakit nagpursige siya at naging isang sikat na kompositor (1813-1901). Ito ang sinabi ni Warren Wiersbe tungkol sa kanya, "Nang magawa niya ang kanyang kauna-unahang opera, nakatingin lang si Verdi sa reaksyon ni Rossini. Wala siyang pakialam sa reaksyon ng ibang tao, ang mahalaga lang sa kanya ay kung nasiyahan ba ang dakilang kompositor sa ginawa niya.
Sino ang ninanais nating masiyahan? Ang mga magulang ba natin, ang ating boss, o ibang tao? Isa lang ang sagot para kay Pablo, "nangangaral kami bilang karapat dapat na katiwala ng Dios ng kanyang Magandang Balita. Ginagawa namin ito hindi para kalugdan kami ng mga tao kundi ng Dios na siyang sumisiyasat sa mga puso namin”(1 TESALONICA 2:4).
Anong ibig sabihin ng paggawa para sa kasiyahan ng Dios? Dalawang bagay ang maaari nating isapamuhay tungkol dito. Una, huwag tayong maglingkod para purihin ng ibang tao. Ikalawa, hayaan natin ang Banal na Espiritu na kumilos sa ating buhay nang sa gayon ay magkaroon tayo ng mga katangian ni Jesus.
Habang sinusunod natin ang plano ng Dios, makakaasa tayo na balang araw ay makikita natin na nasiyahan Siya sa atin.