Lumabas sa pag-aaral na ginawa ng Barna Group noong 2018 na halos karamihan sa mga Amerikano ay ayaw pag-usapan ang tungkol sa Dios. Maliit na porsiyento lang ng mga tao roon ang interesado sa espirituwal na buhay at ang sumusunod kay Jesus. At labing tatlong porsiyento lamang ng mga pumupunta sa simbahan ang umaming minsan lang nila pinag-uusapan ang tungkol sa Dios at sa mga espirituwal na bagay.
Marahil, hindi na nakakapagtaka ang ganitong pangyayari. Delikado na kasi sa panahon ngayon ang magbanggit ng tungkol sa Dios. Maaari itong pagmulan ng politikal na pag-aaway, ’di pagkakaintindihan o dahil kapag pinag-usapan ang tungkol sa Dios, makikita mo na marami ang kailangang baguhin sa iyo.
Pero iniutos ng Dios sa mga Israelita na maging normal na parte ng pang araw-araw na buhay nila ang paguusap tungkol sa Kanya. Dapat nilang sauluhin ang Salita ng Dios at ilagay ang kopya nito sa mga lugar na madaling makita. Iniutos din ng Dios na ituro ang mga utos Niya sa kanilang mga anak, “Ituro ito sa inyong mga anak. Pagusapan ninyo ito kapag naroon kayo sa inyong bahay at kapag naglalakad kayo, kapag nakahiga kayo o kapag kayo'y babangon” (DEUTERONOMIO 11:19).
Nais ng Dios na pag-usapan natin ang tungkol sa Kanya. Gawin natin ito sa tulong ng Banal na Espiritu. Pagpapalain tayo ng Dios kung pinag-uusapan ang tungkol sa Kanyang mga Salita at isinasapamuhay ito.