Naalala pa ni Pastor Watson Jones ang noong tinuturuan siya ng tatay niya kung paano magbisikleta. Nakaalalay ito sa bisikleta niya para hindi siya matumba. Minsan, sinabi niya sa kanyang tatay na kaya na niyang mag-isa pero natumba siya. Akala niya malaki na siya at kaya na niya.

Gusto din ng Dios na ang mga sumasampalataya sa Kanya ay tumatag ang pananampalataya “at ganap na lalago sa espirituwal [nilang] pamumuhay hanggang maging katulad ni Cristo” (EFESO 4:13). Pero magkaiba ang espirituwal at pisikal na paglago. Pinapalaki at tinuturuan ng mga magulang ang mga anak nila para matuto silang tumayo sa sarili nilang mga paa. Inaaruga naman tayo ng Dios para mas matuto pa tayong umasa sa Kanya.

Ganito naman sinimulan ni Apostol Pedro ang kanyang sulat, "Sumainyo nawa ang higit pang biyaya at kapayapaan dahil sa pagkakakilala ninyo sa ating Dios at Panginoong Jesu-Cristo," at sa panghuli, sinabi niyang, "Lumago kayo sa biyaya ng Dios at sa pagkakakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo" (1 PEDRO 1:2; 3:18). Ang mananampalataya na may matibay na pananampalataya ay lalong umaasa kay Cristo.

Ipinaalala din ni Watson huwag nating alisin sa kamay ng Dios ang ating buhay na tila hindi natin Siya kailangan. Hindi matatapos ang pagdepende natin sa Dios. Sa Kanyang kagandahang-loob, titibay ang ating pananampalataya kung lubos tayong aasa sa Kanya.