Halos mabingi ako sa tunog ng sirena ng nagmamadaling sasakyan. Nakasulat sa gilid ng sasakyan ang mga salitang "Mapanganib na kemikal.” Hindi nagtagal, nalaman ko na nagmamadali pala ang sasakyan na iyon na makarating sa labaratoryo dahil tumagas ang 400 na galon ng sulfuric acid. Kailangan nila itong puntahan agad dahil kayang tunawin ng kemikal na iyon ang anumang bagay na madikit dito at lubha itong mapanganib.
Dahil sa pangyayaring iyon, naitanong ko sa aking sarili, "Ano kaya ang mangyayari kung may tutunog na sirena sa bawat masakit at hindi magandang salita na lalabas sa bibig ko?” Magiging napakaingay siguro sa aming bahay.
Ganito rin ang naging damdamin ng propetang si Isaias tungkol sa kanyang kasalanan. Nakaramdam siya ng panliliit nang makita niya ang kaluwalhatian ng Dios sa kanyang pangitain. Nakita niyang isa siyang taong may makasalanang labi na namumuhay kasama ng mga taong ganoon din ang problema (ISAIAS 6:5). Nagkaroon naman ako ng pag-asa sa mga sumunod na nangyari, dinampian ng baga ng isang anghel ang labi ni Isaias at sinabi, “Wala ka nang kasalanan dahil pinatawad ka na" (T. 7).
Lagi tayong pumipili ng mga salitang gagamitin sa bawat pagkakataon. Tulad ba ito ng "mapanganib na kemikal" o hahayaan nating ituwid tayo ng Dios upang mapapurihan Siya kahit sa mga salita natin?