Ipinakita ni Alan Glustoff sa kanyang Youtube video ang proseso kung paano niya lalong pinapasarap ang mga keso. Iniimbak muna niya ang mga keso sa isang kweba sa loob ng anim hanggang labindalawang buwan bago ito ibenta. "Inaalagaan namin nang mabuti ang mga keso sa tamang lugar para makuha ang pinakamasarap na lasa nito," paliwanag ni Glustoff.
Kung gaano ang pagsisikap ni Glustoff na maging mas masarap ang mga keso, ganoon din naman ang pagsisikap ng Dios na mas lalong tumatag ang pananampalataya ng kanyang mga anak. Isinulat ni Apostol Pablo sa Efeso 4 ang mga taong gina-gamit Niya para mangyari ito: mga apostol, ang iba'y propeta, ang iba'y mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro (TAL. 11).
Ginagamit ng mga taong ito ang mga kakayahang ibinigay sa kanila ng Dios para gabayan ang mga nagtitiwala kay Jesus na mas maging matatag bilang katawan ni Cristo. Sa gayon, patuloy silang makapaglilingkod sa Dios (TAL. 12). Hangarin nito na lubos na tumatag ang ating pananampalataya at magkaroon ng mga katangian ng katulad ng kay Cristo (TAL. 13).
Tatatag ang ating buhay espirituwal kung magpapasakop tayo sa gabay ng Banal na Espiritu. Magiging mas epektibo rin tayo sa paglilingkod kung susunod tayo sa payo ng mga taong inilagay Niya sa paligid natin.