Patungong Northern Carolina ang isang mag-asawa. Sakay sila ng isang malaking sasakyan. Nadama nila na biglang sumabog ang gulong nito. Kumaskas sa lupa ang metal na sasakyan. Nagdulot ito ng matinding sunog na tumupok sa maraming ektarya ng lupa at bahay. Nagresulta rin ito sa pagkamatay ng napakaraming mga tao.
Nang malaman ng mga taong nakaligtas sa sunog ang matinding kalungkutang nararanasan ng mag-asawa, gumawa sila ng Facebook page. Layunin nila na maipaabot ang kanilang pagdamay sa matinding hiyang nada-rama ng mag-asawa. Isang babae ang sumulat, “Kami ng pamilya ko ay nawalan ng bahay. Pero nais kong malaman ninyo na hindi namin kayo sinisisi. Hindi maiiwasan ang mga aksidente. Makabawas nawa ng lungkot ang mensaheng ito. Malalampasan natin ang lahat ng ito nang sama-sama.”
Nagdudulot ng lungkot sa puso natin ang paghatol ng iba. Salamat sa sinabi ng Biblia na, “kahit inuusig man tayo ng ating konsensya. Sapagkat ang Dios ay mas higit kaysa sa ating konsensya” (1 JUAN 3:20). Higit ang Dios kaysa sa mga pagkakamali natin. Nais ni Jesus na lumapit tayo at humingi ng tawad sa Kanya. Sa pagkakaloob Niya ng kapatawaran, “magiging panatag ang ating kalooban sa Kanyang harapan” (TAL. 19).
Pinatawad na ng Dios ang mga pagkakamali at pagkukulang natin. Nariyan lagi si Jesus para tanggapin tayo at sabihing, “Pinatawad na kita.”