Pasakay ng eroplano si Jessica kasama ang kanyang dalawang anak. Habang sinusubukan niyang pakalmahin ang umiiyak na tatlong taong gulang na anak na babae, nagsimula ring umiyak ang nagugutom niyang sanggol.
Tinulungan naman si Jessica ng katabi niyang pasahero. Binuhat ng lalaki ang sanggol habang pinapaupo ni Jessica ang anak niyang babae. Naalala naman ng pasahero ang hirap niya noong siya’y nagsisimula pa lang bilang isang ama. Patuloy na tinulungan ng pasaherong lalaki si Jessica sa buong biyahe nila.
Sinabi ni Jessica, “Tunay na nagagalak ako sa kabutihan ng Dios sa pangyayaring ito. Maaari kaming mapatabi sa ibang tao. Pero napaupo kami sa tabi ng isang napakabuting tao.”
Maraming binabanggit sa Biblia tungkol sa pagpapakita ng kabutihan sa iba. Sa 2 Samuel ng Lumang Tipan ng Biblia, inaasahan ng ilan na papatayin ni David ang iba pang mga kalaban niya para mapasakanya na ang trono matapos mamatay si Haring Saul at anak niyang si Jonatan. Pero iba ang ginawa ni David. Sinabi niya, “May natitira pa ba sa sambahayan ni Saul na maaari kong pakitaan ng kabutihan ng Dios?” (9:3). Pinakitaan ng kabutihan at pagmamahal ni David si Mefiboset, anak ni Jonatan. Itinuring niyang parang sarili niya itong anak (TAL. 11).
Tulad ni Mefiboset, nakaranas naman tayo ng kabutihang mula sa Dios. Nararapat lang na maipadama rin natin ang kabutihan at pagmamahal na ito sa iba (GALACIA 6:10).