Napakahirap ng sitwasyon tuwing taglamig sa aming lugar. Napakalamig ng temperatura. Wala ring tigil ang pagbuhos ng snow. Nagtatanggal ako ng makapal na snow gamit ang pala sa labas ng bahay namin nang makita ko ang kartero. Sinabi ko sa kanya na hindi ko gusto ang panahon ng taglamig dahil sobrang lakas ng pagbuhos ng snow. Sinabi ko rin na tila mahirap ang trabaho niya lalo na sa panahong ito. Sinabi naman ng kartero, “Oo, mahirap nga ang trabaho ko. Pero nagpapasalamat ako na kahit papaano, may hanapbuhay pa rin ako. Maraming tao ang walang trabaho.”
Tila tinamaan ako sa pagiging mapagpasalamat ng kartero. Kadalasan kasi, madali nating makalimutan na magpasalamat sa Dios sa tuwing may hindi magagandang pangyayari sa buhay natin.
Sinabi naman ni Pablo sa mga taga-Colosas, “Paghariin ninyo sa mga puso n’yo ang kapayapaan ni Cristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Dios upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat” (COLOSAS 3:15). Sinabi niya rin sa mga taga-Tesalonica, “Magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus” (1 TESALONICA 5:18).
Sa kabila ng mga suliranin natin sa buhay, magkakaroon tayo ng kapayapaang mula sa Dios. Ang kapayapaang ito ang magpapaalala sa atin sa kabutihan Niya para patuloy tayong magpasalamat sa Kanya.