“May regalo po ako sa inyo!” Iyan ang sigaw ng apo ko habang iniaabot niya sa akin ang isang kahon. Binuksan ko ang regalong ibinigay sa akin ng apo ko. Laman nito ang paborito niyang laruan. “Puwede ko po bang makita?” tanong niya. Nilaro ng apo ko ang regalong ibinigay niya sa akin buong gabi. Masaya ako habang pinapanood ko siyang naglalaro.
Natuwa ako dahil naalala ko ang mga regalo na ibinigay ko noon sa kapamilya ko. Isa rito ang binigay kong music album sa kuya ko. Nais ko rin talagang pakinggan ito at iyon nga ang ginawa ko. Napagtanto ko na sa loob ng mahabang panahon, tinuturuan ako ng Dios na mas maging mapagbigay sa iba.
Nararapat nating matutunan ang pagiging mapagbigay. Sa Biblia, sinabi ni Pablo, “Kayong mga nasa Corinto ay nangunguna sa lahat ng bagay... kaya gusto namin na manguna rin kayo sa pagbibigay” (2 CORINTO 8:7). Natuto tayong maging mapagbigay sa tulong ng Dios at dahil ipinapaalala Niya sa atin na mula sa Kanya ang lahat ng pagaari natin. Ipinaalala Niya rin na “mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap” (GAWA 20:35).
Lubos na ipinamalas ang Dios ng kagandahang-loob sa atin. Ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak. Namatay si Jesus sa krus para iligtas tayo sa kaparusahan sa kasalanan at nabuhay na muli. Napakapalad nating mga nakatanggap ng regalong ito ng Dios. Nawa’y maging bukas-palad din tayo sa pagbibigay sa ating kapwa nang may pagmamahal.