Tinalakay ni Robert Coles sa aklat niyang The Call of Service ang iba’t ibang dahilan ng paglilingkod ng mga tao. Ibinahagi niya ang kuwento ng isang babaeng bus driver na naghahatid ng mga bata sa eskuwelahan. Ipinapakita ng babae ang kanyang pagmamalasakit sa mga bata. Tinutulungan niya sila sa kanilang mga assignment. “Nais kong makitang magtagumpay ang mga batang ito sa buhay nila” Iyon ang dahilan ng babae sa kanyang pagtulong sa kanila pero may isa pa siyang dahilan.
Tumatak sa isip niya ang sinabi ng tiyahin niya noon. Ikinuwento niya, “Sinabi ng tiyahin ko na kailangan naming gumawa ng mabuti para mapansin kami ng Dios dahil kung hindi, mapupunta kami sa impiyerno!” Dahil natatakot ang babae na mapahamak at mapunta sa impiyerno, gumawa siya ng mga paraan para mapansin siya ng Dios. Nagsisimba siya tuwing Linggo at tumutulong sa iba. Ayon sa kanya, makikita ng Dios na tapat siya sa pamamagitan nito at maaaring sabihin sa Dios ng mga taong natulungan niya ang kabutihang nagawa niya.
Nalungkot ako sa kuwento ng babae. Hindi ba niya nalalamang noon pa ma’y napansin at nakita na siya ng Dios (MATEO 10:30)? Hindi pa ba narinig ng babae na iniligtas na tayo ni Jesus mula sa kapahamakan ng impiyerno (ROMA 8:1)? Nakalulungkot na hindi pa alam ng babae na ang kaligtasan ay hindi dahil sa mabubuting ginagawa natin. Sa halip, regalo ito ng Dios sa sinumang sasampalataya sa Kanya (EFESO 2:8-9).
Ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Jesus ang mag-uudyok sa atin para maglingkod sa iba.